Web Page & Newsletter Creator

Get Started For Free

PADER NG NAKALIPAS

Ang Intramuros (Latin: "nagsasanggalang na pader" o "sa loob ng pader"), ay ang makasaysayang napapaderang lungsod at pinakamatandang distrito ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. May lawak itong 67 ektarya at ang nangangasiwa dito ay ang Administrasyon ng Intramuros (IA), na nilikha sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1616, na nilagdaan noong 1979.[2] Ang tungkulin ng IA ay paunlarin, pangalagaan, pangasiwaan at itayo muli ang mga gusali at istraktura, pati na ang mga kuta ng Intramuros.

Ang Intramuros ay tinatawag ding Napapaderang Lungsod (Ingles:Walled City), at nung panahon ng mga Kastila ay itinuturing bilang ang lungsod ng Maynila. Ang tawag sa mga distrito sa labas ng pader ay extramuros, na nangangahulugang "sa labas ng pader".[3][4]

Sinimulan ng pamahalaang kolonyal ng Kastila ang pagtatayo ng pader pangdepensa noong huling mga bahagi ng ika-16 siglo upang protektahan ang lungsod mula sa mga mananakop sa ibayo. Ang 0.67 km2 na nakapader na lungsod ay orihinal na matatagpuan sa baybayin ng Look ng Maynila, timog ng pasukan ng Ilog Pasig. Ang Fort Santiago ang nakatalagang tagabantay ng lungsod, kung saan ang kuta nito ay matatagpuan sa bunganga nig ilog. Dahil sa reklamasyon ng lupa na ginawa noong unang mga bahagi ng ika-20 siglo naatras ang mga pader at kuta nito mula sa baybayin.

Lubusang nawasak ang Intramuros dahil sa pagbobomba sa labanan upang mabawi ang lungsod mula sa puwersang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinimulan ang pagtatayong muli ng mga pader noong 1951 kung kailan idineklara ang Intramuros bilang Pambansang Makasaysayang Bantayog, kung saan isinasagawa pa rin ito hanggang sa kasalukuyan ng Administrasyong Intramuros (Intramuros Administration, IA).

Sa ulat na Saving Our Vanishing Heritage (Sagipin Ang Ating Naglalahong Mga Pamana) nilabas ng Global Heritage Fund noong 2010, nakatala ang Intramuros sa isa sa mga 12 mga pook sa buong daigdig na nanganganib mawasak at mawala,[5] kung saan nabanggit ang hindi maayos na pamamalakad at paggigipit sa pag-unlad.[6]